

Pagsuko is a tagalog poem written and shared by Reiu Somao-I to The Ugly Writers under the theme Love this month of May.
Pagsuko
Nagkita tayo sa isang di inaasahang pagkakataon
Sa isang maliit na silid na parang kahon
Di sinasadyang magkatitigan sa maghapon
Mga matang may mensaheng matatagpuan sa dakong paroon
Ang mga usapan ay nagsimula sa tanungan
Ang puso’y umindayog sa saliw ng duyan
Ikaw nga ang nagbigay kulay sa mundong nanlamig
Ang pagdaloy ng damdamin ay muling umikot tulad ng daigdig
Nang aking mapagtanto, huli na ang lahat
Ako’y nahuhulog na sayo at di dapat
Alam kong ang lahat ng ito’y ilusyon
Ngunit bakit pilit ko pa ring hinahanapan ng solusyon?
Masakit, kahit pa di aminin, ito ang reyalidad
Ang itataya sa larong ito ay dangal at dignidad
Patawad, ngunit hindi ako lalaban mag-isa
Hindi ito ang pinangarap kong istorya
Nasayang ang ating pinagsamahan
Nagising sa aking kamalayan
Ang lahat ng ito’y panaginip
At ako’y nahumaling sa isang kathang-isip
Ikaw ang pinapangarap ko
Sayo nadama ang nais ng puso
Ikaw ang nagpadama ng halaga
Sayang, di nga lang maari talaga
Suko na ako, ang puting bandila’y itatapon na
Salamat sa atensyon at paghanga
Sa mga tulang inialay at kantang inawit
Maging sa paglayong nagdulot ng labis na sakit
Bawal na pag-ibig, hindi dahil nakatali tayo sa iba
Pinagtagpo ngunit di para sa isa’t-isa
Damdami’y iisa ngunit di maaaring isigaw
Ang lipunan at panahon ang ating kaagaw
Mahal, kung tayo man ay magkita sa susunod na buhay
Hiling ko’y sana ako naman ang piliin
Ang mga guhit nati’y bibigyan na ng kulay
Damdamin ay di na itatanggi at ito’y didinggin
Sa ngayon, ako’y sumusuko na at di na aasa
Magiging martir sa kasalukuyan at sasabihing masaya na
Babalik sa pagiging manhid at ikukulong ang mga salitang nais iusal
Ipagkakatiwala na lamang ang kagalingan ng puso sa mga maikling dasal
Give some love to Ms. Reiu Somao-I by reading her previous entry at The Ugly Writers:
You must be logged in to post a comment.
“Pinagtagpo ngunit di para sa isa’t-isa” awww 😔
“Hindi tayo pwede pinagtagpo pero di tinadhana” It really hurts. 💔💔
Daisy Cardeño INF194, Art Appreciation and Colors and MX, Moment, Golden Hour, Rule of Thirds