Tama na, pagod na ako is a tagalog poem written by Jelyn V. Chavez and shared with The Ugly Writers for the month of November.
“Tama Na,Pagod Na Ako”
Dati, ang saya natin. Di mapapawi ang ngiti sa aking mga labi habang napapakinggan ko ang himig mong kay lamig.
Himig na nais kong mapakinggan parati sapagkat hinahanap-hanap ito ng aking damdamin.
Bakit nagbago ka noong nakilala mo siya?
Bakit lumayo ka at di mo na mapansin ang bawat tawag ng iyong pangalan na tila ba ako ay isang anino lamang na hindi mo naririnig at di mo nakikita?
Ano ba talaga ako sa iyo?
Wala lang ba ang lahat ng ito?
Ngayon, pagod na pagod na pagod na ako.
Kaya Tama Na.
Ang tao kapag hindi mo binigyan ng halaga ay katulad ng isang bagay na unti-unting masisira.
Bawat bagay ay mahalaga.Bawat bagay ay dapat pagtuunan ng pansin.Bawat sandali ay dapat intindihin.
Mahalaga ka sakin. Mahalaga rin ba ako saiyo?Ngunit kahit ganun, napapagod din ako.
Kung ang isang makina ay napapagod, paano na ang pusong laging naghihintay saiyo?
Kaya ngayon, Tama Na. Pagod Na ako.
Give some love to Jelyn V. Chavez by reading her previous entry at The Ugly Writers: