the ugly writers

KALUNGKUTAN

Pati sarili ko ay di ko alam kung saan tutungo.. Tila ako ay takot na.. Takot harapin ang mundo sapagkat ang pumapasok sa isipan ko ay kung paano harapin ito at kung ito ba ay kaya ko...

KALUNGKUTAN is a tagalog poem written by Ms. Jelyn V. Chavez and shared with The Ugly Writers with the theme Recovery for the month of March.

 

KALUNGKUTAN

 

Di nila alam sa bawat ngiti na aking naipapakita,

Luha at pighati dama ko at ngiti ay syang maskara.

Maskara na nagpapakita na ang lungkot ay kabaliktaran ng saya…

At ang malungkot na mundo ay kukulayan ng di katotohanang saya…

Yung litong-lito nako sa mga nangyayari sa mundo..

Pati sarili ko ay di ko alam kung saan tutungo..

Tila ako ay takot na..

Takot harapin ang mundo sapagkat ang pumapasok sa isipan ko ay kung paano harapin ito at kung ito ba ay kaya ko…

Tila nasa isang madilim akong kwarto..

Kwartong ako lang ang tao at ni kahit pagsigaw ko ay rinig sa buong kwarto..

Ngunit walang niisang nakakarinig nito ngunit ako lamang..

Sapagkat ako lang ang natitirang isang nilalang…

Tila nababalot ng kadiliman ang aking isipan…

Kaya pakiusap hanapin mo ako..

Akayin mo ako..

Ilayo mo ako.

Sa dilim ng kalungkutan dinadanas ko…

 

Give some love to Jelyn V. Chavez by reading her previous entry at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Avatar photo
Jelyn V. Chavez
Articles: 11