Palayain

Palayain

Palayain is an essay written by Christine Ponce and shared with The Ugly Writers for the month of July.

 

Palayain

 

Sa buhay natin na imperfect, darating ung time na susukatin ng tadhana ang kakayanan mo na either mag hold on or mag let go sa isang relasyon.

Minsan parang manhid na tayo sa mga sakit na dulot ng karelasyon natin. We overlook our own pain kasi mas mahal natin ung tao. Mas pipiliin natin na unawain na lang kesa mawala sa atin ung taong mahal natin.

Pero, paano nga kung ung karelasyon mo na ang kusang bumitiw? Are you still going to fight for your relationship? Para sa akin, the mere fact na binitawan ka na nya should be enough reason for you to let go of the person.

Kung madali lang sa kanya na i-let go ka, it only meant one thing – hindi sya ang nakatadhana sa’yo. Kasi, ang taong tunay na nagmamahal, mas pipiliin na maging maligaya ang taong mahal nila. Kahit pa ang ibig sabihin nun ay hindi ka kasama sa kaligayahan nya na un.

Let it go. Let God lead your way. Sana mas piliin mo to hold on to God, kasi sa Kanya, He will never leave you, He will never let you go. I’m praying na sana mawala na ang sakit na nararamdaman mo. I pray na sana mahanap mo ulit ang sarili mo. I hope na sana ikaw ang wag bumitiw sa sarili mo.

– Miss Ponce💕

 

Support Christine Ponce by reading her previous work here in The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

Christine Ponce

1 comment so far

Tabassum Tahmina Shagufta Hussein

I can’t read. But to support the The Month of Philippines ,I have shared in the Twitter. I always share each publication of TUW in Twitter.
All the best

You must be logged in to post a comment