
Mananatili o Bibitaw
Mananatili o Bibitaw is a tagalog poem written by Ms. Christine Ponce and shared with The Ugly Writers for the month of November.
Mananatili o Bibitaw
Isa sa pinakamahirap na desesyon
Kapag nagmahal ka,mananatili o bibitaw na
Minsan kasi kailangan mo din bumitaw
Kung sobra ka ng nasasaktan
Okay lng sumuko sa isang bagay
Okay lang umiyak at masaktan
Okay lang mabigo sa isang bagay
Ang mahalaga naman ay pinaglaban mo
‘Yung kaligayahan mo kahit sa bandang huli ikaw yung talo
Huwag mong panghinayangan
‘Yung kung gaano ka katagal kumapit sa pag asa
Na magiging masaya din kayo sa huli
May mga bagay kasi na kahit gaano man natin kagusto kung hindi ito para sa atin
Wala talagang “tamang panahon” na darating sayo
Oo maraming masasayang,lahat ng mga sakripisyo mo
Mababalewala lahat ng pagtitiis mo ng mahabang panahon
‘Yung mga gabing umiiyak ka
Pero sa pagbitaw mo sa kanya
Magkakaroon ka din ng panibagong pagkakataon para simulan ulit yong buhay mo
Magkakaroon ka ng pagkakataon para mahalin yong sarili mo at pasayahin ang sarili mo
Sana sa bagong kabanata ng buhay mo mahanap mo na ang pgmamahal na pinagkait sayo
Kaya huwag kang matakot bumitaw sa isang bagay ,malay mo may mga tao na handang humawak ng mga kamay mo
‘Yung hindi kana bibitiwan kahit ano pa man mangyari sa inyo
Ating pagtuunan ng pansin,lahat tayo dumadaan sa mga oras at panahon na lugmok na lugmok tau
‘Yung tayo na lang mag isa,walang ibang malapitan, walang kakampi
Kaya minsan naiisip nating sumuko nlng, itigil, hayaan at wakasan
Pero kapg iisipin nating mabuti mas masakit kasi kapag ganun
Kaya kahit na patuloy tayong masasaktan
Pipilitin pa rin nating tumayo at lumaban
May mga bagay na kahit GUSTO mo
Kailangan mong BITAWAN
May mga tao na kahit na NAPAPASAYA ka ay kailangan IWASAN…
If you loved this tagalog poem, please read more here: