the ugly writers

Panamuh

Iniwan ako, Iniwan ang kahapong tila panaginip na natapos, Natapos na animo'y bangungot na kung muling maibabalik ay aking nanaising lumisan na lamang,

Panamuh is a poem written by Kevin Rein and shared with The Ugly Writers under the theme Oh Snap! for the month of August

 

Panamuh

 

Lumisan ka.

Iniwan ako,

Iniwan ang kahapong tila panaginip na natapos,

Natapos na animo’y bangungot na kung muling maibabalik ay aking nanaising lumisan na lamang,

Lumisan kasabay ng maraming alaalang pinili mong itapon,

Itapon sa kawalan at humanap ng iba,

Humanap ng ibang walang alam sa tunay na ikaw,

Ikaw na pinili akong saktan,

Saktan sa paraang akala ko’y ako lang.

Ako lang na sa kabila ng lahat ay nanatiling tapat,

Tapat pero ‘di naging sapat.

 

Please support Kevin Rein by reading his previous entries at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Kevin Rein
Articles: 13