
Pepe 126
Dear Pepe,
Uy, ilang taon na akong sumusulat sayo lalo na sa araw na to. At least konti na lang ang bumabati ng “happy birthday” sayo sa araw ng kamatayan mo. Mej magulo daw kasi at madami silang iniisip. Nekekeheye nemen.
Anyway, sana ay nasa mabuti kang kalagayan (aaawkwwaaard) at nandyan ka lang sa itaas kung saan kitang kita mo ang mga malulupit na kaganapan sa bansang inalayan mo ng iyong buhay.
Lagi kong sinasabi na inspirasyon ka ng mga kabataan. Kahit na minsan ay gusto kong maniwala sa mga nagsasabi na “Ang pinaka pagkakamali ni Rizal ay ang pagsusulat sa isang lipunan na hindi nagbabasa” dahil parang mej mahirap sa mga tropapipz natin ang context ng isang literatura. Para bang “headline is layp” sa lahat ng bagay. Haha, oo, badtrip.
Uy nga pala, ginawang teleserye yung akda mo, yung Noli! Oo pre! Maria Clara at Ibarra ang title sa channel 7. Hanep, balita ko ay lalabas si Hitler sa finale, sya daw kasi yung nawawala mong anak. Hahahaha korni amp.
Lagi kong sinasabi sa mga estudyante ko na ikaw o ang mga gawa mo yung naging pundasyon ng katipunan. Naging inspirasyon ka sa isang malupit na henerasyon. Na sana ay gamitin pa rin ng mga kabataan ngayon. Rhyming yan olrayt.
Gusto kong itanong palagi yung “What Would Pepe Do?” o #WWPD sa mga estudyante. Para cute, ano kaya ang gagawing desisyon ni Pepe kung nabubuhay sya ngayon? Dahil alam ko, habang buhay na buhay ang presensya mo sa puso at isipan ng mga kabataan.
Oh sya, bounce na ko men, sana ay masaya ka sa nakikita mo samin. Keep it up. Sheesh!
-AC