the ugly writers

Lampara

Iisipin mo din na salamat sa mga sugat at gasgas kasunod ng malalim na paghinga Dahil dito ay natututo tayo na bumangon nang mag-isa At kung natuto ka nang bumangon ay isama mo din sila

Lampara is a poem written by Alberto C Colasito and shared with The Ugly Writers under the theme Ulayaw for the month of February

 

Lampara

 

the ugly writers

 

Ang unang ningning ng liwanag na nagmumula sa kanyang mga mata

Mula sa gabing dilim at pahinga at palaging pinakikilala

Mula sa mga panahong tayo ay nadarapa

At mula sa panahon na tayo ay nangangapa

Iisipin mo din na salamat sa mga sugat at gasgas kasunod ng malalim na paghinga

Dahil dito ay natututo tayo na bumangon nang mag-isa

At kung natuto ka nang bumangon ay isama mo din sila

Sila na sa kaunting pagtingin mula sa atin ay umaasa

Ang ating mga braso na tumibay sa pagsubok, gamitin nating angkla

Dahil hindi lang naman sa isang tao iikot ang diwa ng isang lampara

Dahil kailangan din tayo ng iba, isang napakandang sistema

Subukan nating mabuhay para sa “tayo” at hindi “kanya-kanya”

Ang lipunang may respeto sa pinagdadaanan ng iba, parang obra na ang sarap ipinta

At sa pag-akay ay parang ngiti sa twina, parang ilaw na nangiimbita

Maging tanglaw ka Guro kong kinikilala

Patuloy ang paghubog mo sa kabataan na syang tunay na pag-asa

Para kay Bathala

 

Read previous entry of Alberto Colasito from the link below:

Avatar photo
Alberto C. Colasito
Articles: 2