Sa bawat patak na luhang dumadaloy
sa mga mata
ay parang mga katagang di ko nasabi minsan,
mga katanungang di masagot ng aking isipan,
“Bakit di mo kayang mahalin ang isang katulad ko?”
“Bakit hanggang magkaibigan lang talaga tayo?”
Ang mga bakit na nakaukit sa luhang gabi-gabi —pati sa panaginip —dinadalaw ako.
Mga luhang, kung pwede, sumigaw ng saklolo.
“Tulungan mo akong makalimot sa sakit at pait.”
Pero hanggang katahimikan lang ang kaya ng aking mga luha.
Sa katahimikan kung saan humahagulgol ang puso kong nagdurugo.
Ang luhang nakakapagsalita ng aking pagmamahal.
“Sinubukan kong kalimutan ka, pero tawagin mo na lang akong tanga…mahal pa din kita.”
One thought on “Kung Pwedeng Makapagsalita Ang Aking Mga Luha”
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.





[Gutierrez, Erjohn Cyruss O.], [CIV192], [ART APPRECIATION],[Color], [MX], Bokeh