Ikaapat na Kabanata: Ang Tula

Ito ay hindi tula.

Isa lamang itong kathang kinapalooban ng mga salita.
Ipinagitan sa bawat linya at akda.
Inipit sa lalim ng isang dula.
At sa huli’y iginapos sa gitna ng kawalan at kalawakan.

Ito ay hindi tula.

Ito ay mga titik sa gitna ng blankong papel,
Na patuloy ginagamay ng aking mga kamay,
Nang sa ganoo’y makabisado ko ang bawat sulok ng iyong kaluluwa.

Ito ay hindi tula.

Sapagkat isa lamang itong akda na kinapapalooban ng mga talinghaga.
Nang salitang mahal kita sa pagitan ng salitang ako at ikaw sinta.
Isa lamang itong kathang may ritmo ng pag-ibig at timbre ng katotohanan.
Na siyang aking pinayayabong para sa iyong kaalaman.

Ito ay hindi tula.

Ito ay pag-ibig.
Na sinimulan ng isang makatang umamin sa kanyang pagmamahal.
Ito’y mga letrang pilit kong pinagmamarka sa iyong labi at balat.

Ito ay hindi tula.

Sapagkat ikaw ang pinakamaayos na akda.
Subalit ikaw man ang pinakamagandang tula,
Ako naman ang pinakawalang kwentang manunula.
Dahil kailan ma’y hinding-hindi ko magagamay ang iyong salita.
Ngunit tandaan mong hindi man kita maitutula,
Habambuhay kong pag-aaralan na ikaw ay magamay,
At pati na rin ang iyong pagmamahal.

Ito ay hindi tula.
Tandaan mong wala nang mas gaganda pang tula sa iyo mahal.

Ito ay hindi tula.
Ikaw ito, mahal.

One thought on “Ikaapat na Kabanata: Ang Tula

Leave a Reply

March 1, 2017

John Krux bleeds poetry. He eats words for breakfast

Latest

vincere Christos pherein
hour glass

vincere Christos pherein

December 2, 2025
Rain
u1111-rain

Rain

October 6, 2025
Kung Pwede Lang Sana
Asian female student studying alone

Kung Pwede Lang Sana

September 15, 2025
When Winter Ends
End of Winter

When Winter Ends

September 12, 2025