
“Sopla”
Kung ibinabalik ng kung sino man ang hindi magandang pangyayari sa nakaraan mo
Huwag na huwag mo ibibigay ang kapayapaan mo …
Kung ibinabalik ng kung sino man ang hindi magandang pangyayari sa nakaraan mo
Huwag na huwag mo ibibigay ang kapayapaan mo …
Saksi ang kanilang mata marinig ng dalawa nilang tenga ang matamis na pwedeng maganap habang binabasa ng bibig na naka-buka ang bawat pangyayari sa liham kung gaano mo ako mapapasaya …
Tipong hindi nila nakikita sa iba
Pero tangan parin ng isip nila
Kahit hindi ka nila kasama …
Bakit hindi mapunasan ang bumabaybay na luha ng sariling imahe sa loob ng salamin
Pilitin ko man pasukin ang repleksyon para yakapin at patahanin …