SALAMIN is a tagalog poem written by Ordi Naryo and shared with The Ugly Writers under the theme What Could Go Wrong? for the month of December
SALAMIN
Bakit hindi mapunasan ang bumabaybay na luha ng sariling imahe sa loob ng salamin
Pilitin ko man pasukin ang repleksyon para yakapin at patahanin
Sadyang may bubug na harang kung basag ka na haharap at titingin
Hibang at madaya na pinatatahan ang tunay na kalagayan sa labas ng makintab na babasagin
Kailangan ko na talaga,sisirin ang sariling wangis sa malabo na tubig ng riyalidad
Mababaw man o malalim
Upang sagipin,hagkan at tapatin ang sarili sa tapat ng bilangguang salamin
Baon ang aral na…
Akayin ang sarili
Sa lugar o tagpo na makakabuti sa sariling “Kaluluwa”
Kaluluwa na nagkukubli at lunod sa tubig alat
Dahil sa iyak ng sariling mata
If you liked this kind of poetry, read more Tagalog poems here: