Kuya is a short poem written by Ordi Naryo and shared with The Ugly Writers under the theme Entropy: Overcoming Destruction for the month of July
Kuya
Tinangka na imbitahan kita mamasyal na walang masamang intensyon
Nagbabaka sakali idukumentaryo ang magaganap na istorya sa pagitan ng ikaw at ako hanggang sa dulo na sana
Pormado ng malinis na papel,matikas na lapis at baon na pambura
Gusto ko lang makilala at magkaroon ng alaala kasama ka
Iguguhit ko gamit ang panulat at hindi para kuhanan pa ng kamera
Mga posibleng palitan ng kwento sa nakaraan,pangarap sa kasalukuyan upang lubusang magkakilala at magsilbing alaala nating dalawa
Saksi ang kanilang mata marinig ng dalawa nilang tenga ang matamis na pwedeng maganap habang binabasa ng bibig na naka-buka ang bawat pangyayari sa liham kung gaano mo ako mapapasaya
Palihim ko na lilikhain para maging sining
Paliparin gamit ang dalawang daliri mabilisang makarating hatid ng eroplanong papel at may tahimik mo na ngiti habang iyong binabasa
Saka kita tatanungin kung ano gusto mo pamagat sa ginawa ko na obra na ikaw ang bida
Kaso lang tinawag mo ako sa pangalang “Kuya”
Wala na Finish na
Nabale tuloy ang lapis ko na bagong “Tasa”
Itutulog ko na lang muna
Baka sa susunod maganda na ang “Kabanata”
Read more entries from Ordi Naryo here at The Ugly Writers