

Paano ba gumuhit ng pagmamahal?
Hugis puso ba
Para masabing tama iyon?
Trianggulo ba?
Para naman may rurok o taas ‘yong kasiyahan?
Parisukat?
Para may limitasyon ang mga bagay-bagay?
O bilog?
Nang sa ganoon ay masabing walang hanggan?
*****
Siguro, hugis puso.
Para maiugnay sa pagmamahal.
Mailapat ng tama sa papel na tinitigan ng kay tagal.
Para sa sandaling humalik ang brocha sa telang pagpipintahan,
Ay bubuhos ang kaligayahan.
Malamang hugis puso.
Para mukhang tama.
‘Yong tipong mapapanganga ka na lang sa ganda.
Puso, para damang-dama.
Pero maaring trianggulo pala.
‘Yong minsanang dumarating sa ibaba ng kalungkutan.
Itatabi sa sulok ng pagaaway
At ihihiga sa kawalan.
Trianggulo.
Kung saan unti-unti kang ihehele
Papuntang kalawan.
Ipapakitang may rurok ang bawat pagmamahalan.
Hanggang sa maabot mo ang tinatawag na dulo ng walang hanggan.
Baka naman parisukat.
Para maluwag.
‘Yong hindi nakakasakal.
‘Yong kada parte ng pagmamahal alam mong may dulo.
May mga hangganan na maaaring pagpahingahan.
Para naman kapag napagod ka.
Mayroon kang masasandalan.
Siguro nga parisukat.
Kasi ito ‘yong pinakamaluwag.
Tipong kaya mong kontrolin yong mga mangyayari.
‘Yong sa bawat kanto nito pwede kang tumigil para hindi ka mapagod.
Baka nga parisukat.
Pero paano pala kung bilog ito.
Patuloy na dumadaloy ‘yong pagmamahal,
Walang titigilan.
‘Yong tipong hindi ka napapagod.
At hindi mo na kailangan ng pahinga.
Tila walang hanggan ang buhos ng pagmamahal.
At ikaw ang sentro ng bawat sulok nito,
Na kung tutuusin ay wala naman talaga.
Maaari ngang bilog.
Para kahit minsan mawalan manlang ng hangganan.
‘Yong hindi mo na kailangan magtanong kung pagod na ba siya.
‘Yong hindi mo na kailangang humingi ng espasyo.
Dahil ‘yong mismong bilog na ang magbibigay sa’yo nito.
Alin nga kaya?
Hugis puso, trianggulo, parisukat o bilog?
Baka wala pala sa kanila.
Baka hindi na pala kailangan ng mga sukat, parte o disenyo.
Baka ang kailangan lang ay isang linya.
Isang linya.
Kung saan diretso at walang paliguy-ligoy.
‘Yong wala nang panahon para maglaro ng hugis.
Tipong diretsahan mong malalaman ‘yong katotohanan.
Isang linya.
Para hindi na kailangan pa ng taas at lapad para makaramdam ng kaligayahan.
Hindi na kailangan pa ng rurok o kanto upang tumigil panandalian.
‘Yong hindi na kailangan pang ihele ka papuntang kalawakan.
Para hindi na kailangan ng espasyo.
Tipong hindi ka na aasa na walang hanggan ‘yong pagmamahal.
Isang linya.
Para wala nang kung anu-ano pang kailangan isipin.
Hindi nakakasakal.
Walang espasyo.
Wala nang oras para umasa.
Isang linya.
Para alam mong may katapusan.
You must be logged in to post a comment.
woah IDOL 🙂
Ghaleb,Salman Mohammed
ECE151
As a polyglot, Rizal had the habit of switching from one language to another when writing.
lupet mo idol
Israel Falcotelo
Nice nice.
idol!
heart warming
nakaktakot mag mahal
lupit masyadong makahulugan.
ang tunay na pag ibig ay yung hindi mo alam kung pano mo siya nagustuhan , pero minahal musya sa hindi maipaliwanag na dahilan 🙂
NIce 🙂