Mahal ako ni Nanay

Mahal ako ni nanay mula sa simula.
Iniingatan at inaalagaan kahit nasa sinapupunan pa lamang.
Pinaparamdam ang pagmamahal sa simpleng haplos lamang.
Kinakausap ng buong pagmamahal, nangangako na palalakihin akong malusog,matalino at puno ng kabutihan,
Mapagmahal at may takot sa Diyos na maykapal.

Dinala ako sa loob ng siyam na buwan.
Kawawang nanay ko,naghirap ng lubusan, nagbago pati hugis ng katawan, pati sa pagkain naging maselan.
Araw na pinakahihintay ni nanay..
Ang aking pagsilang!
Takot , kaba , at saya nararamdaman ni nanay,
Kanyang pagsigaw at pag-iyak aking napakikinggan.

Isang sigaw na lang po nanay!

Kung maaari ko lang sanang sabihin,
Hirap at saya mababakas sa mukha ni nanay sa aking paglabas.
Unang yakap ni nanay aking naranasan,
Pagmamahal ni nanay buo ko ng mararamdaman.

Mahal ako ni nanay higit pa sa kahit anong kayamanan.
Napupuyat at napapagod sa magdamag upang ako ay pakainin, palitan ng lampin, ipaghele gamit ang tinig niyang kay ganda kasabay ng pag-ugoy duyan na aking kinalalagyan.

Inaalalayan at ginagabayan sa pagtayo at paglakad.
Kapag ako ay nadapa at nasugatan, nandyan si nanay para ako’y muling itayo at alalayan.

Sinasamahan upang maglaro at sa akin siya ay makikipagtawanan.
Sa tuwing ako ay may sakit, hindi niya ako iniiwan, hindi niya ako pinababayaan, at buong pagmamahal na inaalagaan.

Nanay!

Unang salita na aking natutunan na sobrang ikinatuwa at ikinasaya ni nanay.

Mahal ako ni nanay kailanman.
Gigising sa umaga, ipaghahain ng umagahan, ihahanda pagpasok sa paaralan.
Hawak ang kamay ni nanay, maglalakbay patungo sa paaralan, habang naglalakad kami at nagkukwentuhan at nagtatawanan.
Mahal ako ni nanay ng tunay.
Matiyaga niya akong tinuturuan sa mga gusto kong malaman at matutunan.
Nagkasakit minsan si nanay pero ako pa din ang kanyang inuuna at inaalagaan.

Pagmamahal niya sa akin ay hindi nababawasan.
Siya ang nakakalam ng aking ikabubuti,
Hindi niya ako kailanman ninais na mapunta sa masama o kapahamakan.

Mahal ako ni nanay ng sobra at walang kulang.
Ilang ulit man akong nagkamali,tinatanggap niya pa din ako palagi.
Ilang ulit ko man siyang nasaktan,walang sawang pagmamahal pa din ang kanyang binibigay.
Ilang ulit ko man siyang tinalikuran,kahit kailan naman ay hindi niya ako iniwan.
Sa kahit anong sitwasyon,ako ay lagi niyang naiintindihan.
Kailanman ay hindi niya ako pinabayaan at binitawan.

Patawad nanay. Patawad nanay sa lahat ng aking kasalanan. Patawad nanay sa lahat ng aking pagkakamali na nagawa.

Salamat nanay sa lahat ng pagmamahal, pag-aalaga , pag-aaruga at pagbibigay lahat ng kabutihan para sa akin. Ikaw ang nagbigay ng kulay, kabuluhan at buhay sa aking kabuuan.
Salamat sa hirap at sakit na iyong tiniis para lamang bigyan ako ng maayos at magandang buhay.

Tama nga sila,
“Ang anak nakakayang tiisin ang kanilang ina, pero walang ina ang makakayang tiisin ang kanilang anak, dahil walang papantay sa pagmamahal ng tunay na ina.”

Mahal ako ni nanay ng tunay, sobra at walang kapantay.
Mahal ako ni nanay higit kanino man.
Mahal ako ni nanay na tunay na kayamanan.

Salamat mahal kong nanay.

Default image
Guest Post
Guest Posts submitted to TUW are reviewed and scheduled by the admins. Photos are either provided by the contributor or created using Photofy. If you wish to submit an entry, head over to https://uglywriters.com/submissions

6
Leave a Reply

Please Login to comment
5 Comment threads
1 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
6 Comment authors
Rietschle CarpioKathleen SolisMar Mike JimenezRhelee CasupananMsgreyinred Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Satyr
Guest
Satyr

Nice one

Msgreyinred
Guest
Msgreyinred

Thanks satyr ?

Mae
Member

Casupanan, Rhelee Mae B.
Mar142
Sociology MQ2
This article falls under the theory of ethnocentrism. The note shows the Filipino’s attachment to families specially with our mothers. It is in our culture that we are bonded with our parents even we grow old and have kids.

Mar Mike Jimenez
Guest
Mar Mike Jimenez

JIMENEZ, Mar Mike R. (ARC133)
HARTAPP
MQ2
Contre-jour

Kathleen Solis
Guest
Kathleen Solis

Solis, Kathleen Mae O.
ARC133
HARTAPP
MQ2
Contre-jour

Rietschle Carpio
Guest
Rietschle Carpio

Carpio, Rietschle O.
ARC132
ARTAPP – MQ2
Contre-jour