Ikaw ang bida, Nanay !

Para kanino nga ba ang araw na ito?
Sino nga ba siya sa buhay mo? Sa buhay ko?
Ano nga ba ang gampanin niya sa buhay natin?

Nanay, Inay, Mama, Momsy, Mother, Mommy, Mudra.

Para sa iyo ang araw na ito.

Dinala mo ako ng siyam na buwan.
Sa loob pa lamang ng iyong sinapupunan , inaalagaan mo na ako ng lubusan, pinupuno ng pagmamahal, at binubusog ng kabutihan. Naghirap ka at lubos na nahirapan, lahat ng hirap at sakit iyong binalewala para hindi ako mapunta sa kapahamakan.

Hanggang sa paglabas ko sa mundong ibabaw, wala ka ibang inuna kundi ang aking kapakanan.

Gabi-gabi ka man napupuyat, sinisigurado mo pa din na ayos ako at hindi hirap,
Minsan akong nagkasakit pero kahit kailan hindi mo ako pinabayaan, bagkus inalagaan mo pa din ako ng lubusan.

Ginabayan mo ako mula sa unang salita na aking natutunan, unang galaw na aking ipinakita, unang hakbang ng aking mga paa na iyong nasilayan, at unang dapa na aking naranasan.

Araw-araw gumigising ka ng maaga para sa palengke ay pumunta,
Araw-araw masarap mong Luto ang laging bida,
Pinaliliguan mo ako na animo batang musmos na iyong pinakamamahal,
Naglalaba ka na tila walang kapaguran,
Dagdag pa na nagtatrabaho ka para kahit paano sa gastusin tayo ay makagaan,
Tulong upang makumpleto lahat ng aming pangangailangan.

Ikaw ang aking unang guro, tinuruan mo ako sumulat at bumasa,
Naging gabay kita sa araw-araw na ako ay nag-aaral.
Lahat ng kabutihan sa akin ay iyong pinaaalam.

Handa kang umalalay sa akin kailanman,
Lagi kang nandyan sa Hindi inaasahan,
Lagi kang nakagabay at nakaagapay saan man ako dalhin ng agos ng buhay
Ikaw ang aking naging
sandigan kapag ako ay umiiyak at nasasaktan.

Hanggang sa aking paglaki,nandyan ka pa din,
Kabutihan ko pa din ang iyong iniisip,
Araw-araw man maingay mong boses ang aking naririnig dahil sa mga sermon mong paulit-ulit, alam ko na para sa akin pa din ang iyong sinasabi at binabanggit.
Araw-araw mo man sinasabi na hindi na ako natuto sa mga pagkakamali na paulit-ulit kong nagagawa,nandyan ka pa din para ako ay itama at hindi sukuan.
Nasasaktan man kita kung minsan,tinatanggap mo pa din ako ng lubusan.

Sa mga yakap mo nanay ako ay panatag at laging ligtas.
Minamahal mo ako ng sobra-sobra.
Walang makapagbibigay kahulugan sa pagmamahal na kaya mong ibigay.
Walang makakapantay ng pag-aalaga at pag-aaruga na kaya mong ilaan.
Walang makahihigit ng sakripisyo na sa akin ay hindi mo ipinagkait.

Hindi mo ako pinabayaan kailanman,
Hindi mo ako iniwan kahit saan man,
Hindi ka kailanman nagpakita ng iyong kahinaan, kahit minsan ramdam ko ng ikaw ay nasasaktan at nahihirapan.

Salamat sayo nanay sa sobrang pag-aalaga,
Salamat sayo nanay sa hindi matatawaran na pagmamahal,
Salamat sayo nanay sa pagtitiyaga na mapalaki ako sa kabutihan.

Patawarin mo ko nanay sa lahat ng sakit ng ulo na sayo ay aking ibinigay,
Patawarin mo ko nanay sa mga panahon na pakiramdam mo ay hindi kita pinakikinggan,
Patawarin mo ko nanay sa mga panahon na lagi kitang iniiwan dahil sa aking mga kaibigan,
Patawarin mo ko nanay sa mga panahon na kailangan mo ng kasama pero kita ay iniwan,
Patawarin mo ko nanay sa mga pagkakataon na sobra kitang nasasaktan dahil sa aking mga katangahan,
Patawad nanay sa mga pagkakataon na hindi kita sinusunod sa mga sinasabi mo na para sa kabutihan ko din naman.
Patawad nanay..

Nawa’y bigyan ka pa ng mahabang buhay , masiglang pangangatawan, maayos na kalusugan , malawak na kaisipan at puso na puno ng pagmamahal. Nawa’y maging masaya ka at hindi na mahirapan pa habang nabubuhay pa.
Sobrang higpit na yakap at maraming mumunting halik para sayo nanay,
Sa aking buhay , ikaw ang nag-iisang bida.
Mahal kita Nanay.

Hindi ko man maipapangako, pero gagawin ko ang lahat maipakita at maparamdam ko lang na mahal kita nanay,
na mahalaga ka sakin nanay.
Hindi ko man mapapantayan lahat ng ibinigay mo sakin, gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para mapasaya kita mahal kong nanay.

maraming salamat mahal kong nanay.
Mahal na mahal kita.

Maligayang araw ng mga Ina!

Msgreyinred.

Guest Post
Guest Posts submitted to TUW are reviewed and scheduled by the admins. Photos are either provided by the contributor or created using Photofy. If you wish to submit an entry, head over to https://uglywriters.com/submissions

3
Leave a Reply

Please Login to comment
3 Comment threads
0 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
3 Comment authors
Jan Ericson S. CastilloRhelee CasupananAnneeka Rivamonte Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Anneeka Rivamonte
Guest
Anneeka Rivamonte

Rivamonte,Anneeka Shane B./ARC-133/ Non-material

Mae
Member

Casupanan, Rhelee Mae B.
Mar142
Sociology MQ2
This article falls under the theory of ethnocentrism. The note shows the Filipino’s attachment to families specially with our mothers. The usage of Filipino language made it ethnocentric although mother’s day is a celebration we had adopted from other country.

Jan Ericson S. Castillo
Guest
Jan Ericson S. Castillo

Castillo, Jan Ericson S.
MAR141
Sociology MQ2

It falls under Ethnocentrism. This article was written in Filipino language, which makes the author an ethnocentric. It also shows the love and care of Filipino mothers for their family. This only means that Filipinos are family-oriented.