Aking Dedikasyon Para sa Inyo

Aking Dedikasyon Para sa Inyo (An Independence Day Special)

Ang mundo’y sadyang mapanghusga. Marami sa mga tao, iniisip na nakahihigit sila. Ngunit ang iba nama’y patuloy na hinayaang maiwan sila sa ibaba. OO, Tama! Ang mundo ay hindi patas. Bakit hindi nalang ginawang pantay ang lahat; Bakit di na lang magkakapareho ang lahat. Ang mga iyan ay iilan lamang sa mga bagay na umiiral sa aking mumunti at payak na isipan. Namulat ako sa mundong mapanghusga, Nabuhay ako sa mundong dilat ang mata. Dilat ang mga mata sa mga bagay na nangyayari sa kapaligiran. Dilat ang mata sa mga katotohanang hindi nakikita ng ilan. Ang mundo’y may pagtatangi sa iba; Ang mundo’y hindi patas.

 

Ako si Tikboy, labindalawang taong gulang. Mulat sa kahirapan, Salat sa kayamanan. Kuto sa tingin ng iilan. Pabigat sa mata ng lipunan. Sampung taon ako noong ako’y maulila nang parehong matupok ng nagngangalit na apoy ang aking mga magulang noong nasunog ang aming tahanan siyam na taong gulang palang ako. Namuhay akong nagiisa, palaboy laboy sa kalsada. Tanging sarili ang naging kandungan. Sipag at tiyaga ang aking naging puhunan. Sa kabila ng pagdarahop na aking tinamasa ni minsan di ako nagalit doon sa tao sa itaas. OO, aaminin ko. Minsa’y kinukwestiyon ko siya, kung minsa’y sinisisi ko sya. Anupa’t narito ako sa mundong ibabaw kung patuloy lang din nya akong idadayukdok sa dusa. Ngunit alam ko naman na may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Dahil may plano Siya para sa bawat isa sa atin.

 

Dito ako sa tondo napadpad. Kung saan, halos buong buhay ko dito na idinusta. Saksi ako sa lahat ng kaguluhan; Saksi ako sa lahat ng karahasan. Labing isang taong gulang ako ng matuto akong magbatak. Tulak dito, tulak doon. Singhot dito, singhot doon. Lagi akong kabilang sa mga basagan, Kahit sino pa yan wala akong uurungan. Pabalik balik ako sa kulungan. Bawat pasikot ay kabisado ko na. Hanggang isang araw, doon sa aking selda. Tila may isang sensasyong kumudlit sa aking matigas na damdamin. Isang pakiramdam na di ko mawari. Sumandaling napatigil, sa kawala’y sumisid. Binalikan lahat, bawat pangyayari. Hanggang ang bukal sa mga mata’y walang tigil na sa pagtagas. Naalala ko noong kabataan ko, napakasaya ng pagkabata ko. Ang nanay ay laging nakangiti, pakanta kanta sa bawat gawain. Ang tatay ay laging may pasalubong na bitbit di alintana ang pagod sa trabaho. Namiss ko ang mga magulang ko, mga magulang na ngayon ay wala na ako. Dahil dito naging ganito ang buhay ko. Magulo, marahas, walang direksyon.

 

Lumipas ang sampung taon, ngayon ay tignan nyo ako. Sino ang magaakalang ang batang mistulang walang direksiyon noon ay haharap sa inyo ngayon. Magtatapos ng may pinakamataas na parangal sa kurson pagaabogasya. Sinong mag aakalang ang batang palaboy noon ay magiging ganito na ngayon. Marahil siguro ay nagtataka kayo, di makapaniwala sa mga narinig ninyo. Tama po ang narinig ninyo, lahat ng sinabi ko ay totoo. Bakit ko sinasabi ito? Marahil ay gusto kong ipaalam sa inyo, mga kamag aral ko, mga guro, at mga magulang na naririto na sa usaping edukasyon ay walang mayaman, walang mahirap; walang mabuti, walang masama. Na kahit ano ka man o sino ka man, hindi malabong magtagumpay ka basta’t magsumikap ka. Walang ibang hadlang sa pagaaral kundi ang sarili mo lamang. Maaring kapos ka sa pera o di nama’y sadyang wala ka, pero kung nais mo talaga ang isang bagay hahanap at hahanap ka ng paraan para makamit mo ito. Papaano? Madali lang po. Tanging sarili mo lang ang makakatulong sa iyo. Hanggat patuloy kang lumalaban, hanggat patuloy kang nagsusumikap at hanggat patuloy kang bumabangon pagkatapos madapa. Pasasaan pa’t maabot mo rin ang bituing nais mong abutin.

 

Walang mataas na bundok, malalim na dagat at matigas na bato ang kayang tumibag sa taong handang gawin ang lahat para umunlad. Hindi naging hadlang ang masalimuot na nakaraan, ang aking mga pinagdaanan upang marating ko kung nasaan man ako ngayon. Bagkus, ginamit ko ang mga ito bilang motibasyon upang patuloy akong magpursige upang mapaunlad at mabago ang takbo ng buhay ko. Hindi biro ang lahat ngunit nagpapasalamat ako sa Maykapal dahil hindi nya ako hinayaan. Hindi sya sumuko noong panahong gusto ko ng sumuko. Salamat, Salamat sa mga taong ginamit nyang instrumento upang maituwid muli ang landas na minsan ng nabaluktot.

 

Alay ko ang tagumpay na ito sa Diyos, sa mga magulang ko na pinapanuod ako mula sa itaas, mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin. Walang Mark Tyler Tuazon dito sa harap nyo kung wala ang mga taong ito. Ngayon sa araw ng ating pagtatapos mga kapwa ko estudyante, patuloy nating pagningasin ang apoy na isinindi sa atin ng ating mga magulang at guro. Patuloy nating paningningin ang ilaw natin upang magsilbing inspirasyon sa mga taong nakapaligid sa atin. Alam ko na bawat isa sa atin ay may kanya kanyang kwento, kanya kanyang aral na napulot at kanya kanyang karanasan na ating babaunin sa patuloy na paglalayag sa susunod na yugto ng ating buhay.

 

Ngayon sa araw na ito ipinapangako ko na patuloy akong magsisilbing inspirasyon sa bawat isa. Patuloy kong itataguyod ang pangarap ko at ng mga magulang ko. Patuloy kong payayabungin ang nasiimulan kong adhikain at adbokasiya. Sa ating pagtatapos binabati ko kayong lahat, patuloy tayong sumulong at gampanan ang bawat papel na nakaatang sa atin. Patuloy nating parangalan ang ating mga magulang lalong lalo na ang ating bayan. Muli binabati ko kayo at maligayang araw ng pagtatapos. Maraming salamat po at pagpalain nawa tayo!

Default image
Sir Eyyy
Sir Eyyy is a man of dreams and of wisdom. Taking his big leap to reach the stars. Striving to be a catalyst of change and of goodwill. He wish to travel across the globe to witness the amazing beauty this vast world can offer. He is a poet and a writer. He writes to express and not to impress. Catch more of him on his blog at www.thesojournerscreed.wordpress.com

4
Leave a Reply

Please Login to comment
4 Comment threads
0 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
4 Comment authors
shrike101Jan Ericson S. CastilloRhelee CasupananMarynel Castañeda Balisi Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Marynel C. Balisi
Member

Balisi, Marynel C. (Mar142)
Implicit
Traits
“Karanasan ang aking puhunan”

Mae
Member

Casupanan, Rhelee Mae B.
Mar142
Sociology MQ2
This article falls under the theory of ethnocentrism because instead of using English language to state his experiences he choose to write in Filipino. Well there are some people that tags the usage of English language like it is a measure of knowledge but in this note readers would only feel the genuine experience from the author and since it is dedicated to Filipino children, I believe that he had perfectly delivered his message to his target readers.

Jan Ericson S. Castillo
Guest
Jan Ericson S. Castillo

Castillo, Jan Ericson S.
MAR141
Sociology MQ2

It falls under Ethnocentrism for a couple of reasons. First, the author wrote the article in Filipino rather than English which means he is supporting his own language. Second, it talks about being “matulungin” which is a well-known Filipino culture. He promises to serve as an inspiration to everyone, meaning he loves his fellow countrymen.

shrike101
Guest

Doruelo, James
art app/arc132
attendance