Paalam

Paalam

Paalam

Mata ay bukas, ngunit paligid ko ay madilim.
Sabay sa panahong malamig at makulimlim.
Nais kong magkulong, mag-isa sa silid ko.
Dating mga kaibigan, kilala pa kaya ako?

Pagkain at pagtulog, hindi na maayos.
Minsan sobra, minsan kulang — dahila’y di talos.
Ako man ay nalilito, ayoko ng ganito.
Maliit na bagay, lubhang dinidibdib ko.

Nais ko ng kausap upang lungkot ay maibsan;
Ngunit hinuhusgahan ako ng karamihan.
Ako raw ay mahina, marupok, kulang sa pananalig —
Paano ihahayag nararamdamang ligalig?

Bakit kaya ganyan, aking mga katoto
Nasubukan na bang tumayo sa paa ko?
Kailangan ko ay suporta at inyong pang-unawa
Upang pag-ahon sa bangin ay aking magawa.

Sa bawat tinging nanghuhusga, ako’y lalong lumulubog.
Bawat komentong naririnig, puso ko’y nadudurog.
Saan at kailan ang aking hangganan?
Kung kitilin itong buhay, Poon ako kaya’y Inyong maintindihan?

Patawad, ako’y nasadlak sa madilim kong mundo.
Tanging kasama ko ay aking anino.
Wala akong makapitan, walang masulingan.
Ikaw na Tanging Daan, akin na lang pupuntahan.

Palasyo Mo po ba ay bukas para sa tulad ko?
Nawa sagot Mo ay Oo; pakinggan aking pagsamo.
Pagkat ako ay suko na, katawan ay hapong-hapo.
Patawad aking Ama, kaluluwa ko sana’y tanggapin Mo…

 

 

Kung naibigan mo ang likhang Filipino na Paalam, basahin ang iba pang gawang tagalog dito:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Tala Martinez

You must be logged in to post a comment