
Dapit-hapon
Dapit-hapon is a tagalog poem written and shared by Kevin Rein to The Ugly Writers under the theme Love for the month of May.
Dapit-hapon
akala ng lahat,
kagaya ako nina Pablo at Juan,
na naniniwalang ang bawat umaga ay pangako at ang bawat gabi ay paglilimlim ng mga pangarap.
akala ng lahat,
kagaya nila akong sabik sa pagbabalik ng araw sa silangan at pagkitil ng dilim sa bukang liwayliway.
akala nila simple lang ang buhay,
ngunit ang totoo’y
takot ako sa mga bagay na kanilang iniibig,
takot ako sa bawat pagkilos ng hintuturo ng orasan,
at sa bawat pagtilaok ng mga tandang sa madaling araw.
takot ako sa mga patak ng hamog sa umaga,
takot ako sa mga gabing madilim na tila bumubura sa maraming magagandang alaalang kinukupkop ko sa aking isip.
takot ako sa bagong umaga.
takot akong harapin ang patuloy na pag-usad ng aking buhay dahil ang bawat hakbang,
ang bawat segundo,
ang bawat oras,
ay katumbas ng panahong nalalagas.
ang bawat maghapon ay alaalang sa isip na lamang mahihimlay.
at paano ako?
paano ko iibigin ang kinabukasan kung ang kapalit nito ay ang pagrupok ng aking mga buto at paglabo ng aking mga mata?
paano ko nanaising magpatuloy kung sa bandang huli ay maraming mawawala?
sapat na sakin ang dalawampu’t walong taon na nasilayan ko ang kariktan ng daigdig,
sapat na sa aki’ng malaman ang hiwaga ng buhay,
at sapat na sa akin ang bawat hapdi at pagdadalamhating ihinapag sa akin ng kapalaran.
at kung ako lamang ang mususunod,
ako’y hanggang dito na lamang.
hindi ko na ninanais malaman kung ano’ng naghihitay sakin sa dulo ng aking paglalakbay,
sapagkat malungkot,
puno ng luha.
ang hangganan ng ating mga kwento ay natatapos sa isang parisukat ng baul,
sa ilang pirasong bulaklak,
at sa anim na talampakang hukay.
If you liked Dapit-hapon, feel free to check out previous works by Kevin Rein at The Ugly Writers:
1 comment so far