Lumang Larawan

Lumang Larawan

Lumang Larawan is a tagalog poem written and shared by Ann Louelen B. Estrada to The Ugly Writers under the theme After The Storm for the month of June.

 

Lumang Larawan

 

vlcsnap-00013

“Siya ang alaala ng iyong kahapon. Ang alaala ng  kamusmusan at ng pagiging inosente sa mundong iyong kinamulatan.”

Naalala mo pa ba na sabay kayong pumapasok sa eskwela? Mga bata pa kayo noon kaya kapag hawak-kamay ay walang malisya. Ang sarap nyang tingnan sa maliit nyang puting polo at sapatos na umiilaw-ilaw habang nakatago sa likod ng kanyang ina. Madalas kayong maglaro ng bahay-bayahan sya ang tatay, ikaw naman ang nanay.  Magpapalitan ng baon na tinapay at mag-aabang sa sundong kanina pa hinihintay.

Naalala mo pa ba ang bawat halakhakan nyo kapag walang klase? Naalala mo pa ba ang inyong unang sayaw sa buwan ng Pebrero. Ang kanyang ngiting nakatutunaw kapag masasalubong mo na halos mabitawan mo ang iyong libro. Kinikilig ka pa nga sa bawat sipa at pagpasok nya ng bola, habang nakatago ka sa likod ng iyong kaklase at isinisigaw pangalan nya. Minsan pa nga nagnakaw ka sa kanya ng titig habang siya’y natutulog  sa gilid ng inyong silid. Madalas nyong pag-usapan ang mga pangarap nyong parang walang hirap kung abutin. Kung magiging ano ka at ano sya sa panahong darating.

Naalala mo pa ba ang unang beses na nakita mo syang nasaktan? Umiyak dahil sa nabigo siya sa una nyang nagustuhan sa inyong eskwelahan. Noon ang araw na sinabi mong “Sana ako na’lang.” Iniiisip mo na baka manhid lang siya o bulag lang.  Kahit batid mo naman na hindi kanya lang talaga gusto. “Ayaw nya lang talaga sa’yo,” kasi hindi katulad mo ang kanyang mga tipo. Ngunit masaya ka pa rin kahit hindi kayo. ‘Yong isang salamat lang, pakiramdam mo na “I love you.” ‘Yong kahit napahawak lang sya sa likod ng bangko mo habang nagkaklase pakiramdam mo inakbayan na ang balikat mo. ‘Yong kahit magkaibigan lang kayo, ang lahat sa’yo’y sapat na. Basta nakangiti sya at walang magbabago sa pagkakaibigan nyong dalwa.

Naalala mo pa ba ang huling paalam nyo sa isa’t-isa? Nakasuot kayo noon ng kayhabang puting damit at sabay nyong inihagis pataas ang inyong sombrero. Tumigil ang mundo mo noong kinamayan ka niya pagkatapos ng martsa nyo. Doon unang nagsimula ang paghihintay mo sa muli ninyong pagtatagpo.

Kayrami nang nangyari at maraming tao ang bagong nakilala. Maraming nagbago at lumipas na ang maraming taon na siya’y hindi mo nakita. Ngunit ang lahat ay babalik sa iyong alaala. Sa sandaling minutong makita mo ulit lumang larawan ng inyong pagkabata. Ang larawan ng nakaraan na siyaang bumuo ng iyong istorya. Lahat ng senaryo sa nakaraan ay muli sayong pinaalala. Pinaalala ng lumang larawan na syang kumumpleto sa iyong murang puso. Sa pagkatao mo ngayon ay marami mang nagbago ngunit ang lumang larawan ay nakaguhit parin sa iyong puso.

 

Kung naibigan mo ang likhang Filipino na Lumang Larawan, basahin ang iba pang gawang tagalog dito:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

ANN LOUELEN B. ESTRADA
https://www.wattpad.com/user/LouAnnAnnlou

Creative Mind Wildest Imagination Because i am a WRITER

You must be logged in to post a comment