Paalam, aking mahal

Paalam, aking mahal

Paalam, aking mahal is a poem written by Vanessa Enfectana and shared with The Ugly Writers under the theme Terrible Ideas for the month of July.

 

Paalam, aking mahal

 

Heto na ang dilim na lubos kong ikinatatakot.

Kasabay ng pamamaalam ng minsan kong naging kasangga

Ng minsang kaibigan at kasintahan

Kasabay ng pagdidilim ng langit ang unti unti mong paglalaho

Sakupin mo ako. Sakupin mo akong muli sa huling pagkakataon

Nais kong haplusin mong muli ang aking pisngi kagaya ng dati,

nais kong muli mo akong hagkan bago ka humakbang… papalayo.

Hayaan mo akong mahalin ka sa huling pagkakataon at ibuhos ang lahat ko sa iyo.

Hayaan mo akong namnamin ang bawat patak ng orasan.

Hayaan mo akong ipinta ang minsang sa aki’y nagpaibig at nagpasaya.

 

Mahal, tila baga napakabilis ng mga pangyayari.

Ilang gabi tayong nakipagbakang magkasama.

Ilang tagumpay ang ating pinagsaluhan.

Ilang pighati ang ating nalampasan.

Ngunit heto tayo, sa dulo ng pinangakong mundo.

Heto tayo’t namamaalam sa lahat.

Ang ating laban ay hindi pa natatapos.

Nawa’y gabayan tayo ng ating mga armas sa ating paglalayag ng magkahiwalay.

 

Akala ko noon ay hindi na ito magiging masakit sapagkat napuno na ng pighati ang aking puso.

Ngunit nagkamali ako, dahil may mas isasakit pa pala.

Hindi ko akalaing ako pa itong nasa kabilang dulo, na kakaway sa iyong paglisan.

Hindi ko akalaing sa pagdating ng panahon na ito ay ako pa ang maiiwanan.

Ngunit mahal, kahit na gaano man ito kapait ay tatanggapin ko.

Gaano ko man gustong pigilin ang iyong pag alis ay akin itong susuportahan.

Pagpalain ka nawa sa iyong paglisan.

Dahil mahal, tangan mo ang pagmamahal ko at ang kapiraso ng aking kaluluwa sa iyong hakbang.

Paalam, mahal ko.

 

Give some love to Vanessa Enfectana by reading her previous entries at The Ugly Writers:

never enough

IMG_20180719_100017_468000

when the battle is over

Vanessa M. Enfectana
https://uglywriters.com/author/vanessaenfectana/

You must be logged in to post a comment