Utak

Utak

Utak is a poem written by Cesar Banaag and shared via The Ugly Writers under the theme Just Barely for the month of October.

 

Utak

 

Ako ay may sakit sa utak,
Pero hindi naman ako isang baliw,
Isa itong problema sa buhay ko,
Dahil ako ay may sakit sa utak.

Daig ko pa si Motolite,
Ako ay laging full of energy,
Daig ko pa si Mic at Speaker,
Ako ay laging naka megaphone.

Madalas akong nalulungkot,
Naiisip ko kung bakit ako nalulungkot,
Tumatagal ito ng matagal na oras,
Di ko parin masagot at lalong nalulungkot.

Kung pwede ko lang tapusin ang aking buhay,
Sapagkat sa tingin ng iba ay isa akong baliw,
Laging mabigat ang pinagdadaanan kada araw.
Dahil di ko ginustong pagdaan ito.

Hindi dapat akong iwasan at layuan,
Ako mismo ang umiiwas at lumalayo,
Ayokong matakot kayo sa akin,
Dahil sa paningin niyo ay isa akong baliw.

Gusto ko lang naman humingi ng tulong,
Alisin ang mga boses na bumubulong,
Bago ko isiping tapusin ang buhay ko,
Dahil may sakit ako sa utak.

If you liked this kind of poetry, read more Tagalog poems here:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Cesar R. Banaag Jr.
Articles: 2

Leave a Reply