the ugly writers

Tag-Ulan at Iyong Alaala

Sa pakikinig ng pagbuhos ng ulan, Hindi man sadya ngunit na aalala ka na naman, Bumabalik sa nakaraan, nakaraang minsan kong pinanabikan at pinanghawakan, Na sana'y umabot ng walang hanggan.

Tag-Ulan at Iyong Alaala is a tagalog poem by Julie Ann Baynosa and shared with The Ugly Writers under the theme Stuck with Memories for the month of October

Tag-Ulan at Iyong Alaala

Sa pakikinig ng pagbuhos ng ulan,

Hindi man sadya ngunit na aalala ka na naman,

Bumabalik sa nakaraan, nakaraang minsan kong pinanabikan at pinanghawakan,

Na sana’y umabot ng walang hanggan.

Doo’y nakalarawan ang isang ngiti,

Pagkat ang dating “ikaw at ako” ay naging “tayo”,

Sa bawat araw ang pagpili sa isa’t-isa’y naging madali.

Sa ngayon, alam kong panahon natin ay tapos na,

At wala ng pag-asang maibalik pa,

Pero minsan masaya lang maalala,

Na ako ang dahilan ng iyong ligaya’t saya,

Pagkat hindi lahat ay nabibigyan,

Nang pagkakataong mahalin at ibigin ka.

Check out Ms Julie Ann Baynosa on Instagram as @juliewritesofficial

the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
Julie Ann Baynosa

Julie Ann Baynosa

An aspiring author from Cagayan De Oro City.

Articles: 5

Leave a Reply