Pag-iisa is a tagalog poem by Ms. Patricia Lyn Bacsa and shared with The Ugly Writers for the theme Recovery for the month of March.
Pag-iisa
Minsan payapa, madalas magulo.
Minsan maingay, madalas nakayuko.
Minsan masaya, pero mas madalas yung tuliro.
Hindi ko alam, pero bakit ganito?
Madalas ang pananahimik ay senyales ng lubos na pagkabahala
Pinipigil ang emosyong gusto ng makawala
Ngumingiti kahit luha’y nahahalata
At ikukubli ang lahat sa likod ng maskara
Natatakot magsalita, tila may busal ang bibig.
Maraming nakapaligid pero walang gustong makinig
Puno ng hinagpis ang kakabog-kabog na dibdib
At noong ito’y sumabog, walang nakarinig.
May nakakapansin, pero walang may pakialam
Iniisip ng iba baka ito’y kahibangan
Walang nag-aalala sa nararamdaman
Hanggang sa masanay, naging manhid na lamang.
Dumating ang mga araw na tila gulong gulo
Hindi na mawari kung alin ang elusyon at ang totoo
Minsan naliligaw nadin kung saan tutungo
At napapatanong sa sarili “ako pa ba ito”?
Malaki na ang sugat pero di na ramdam ang sakit.
Matigas na ang pusong paulit ulit pinukpok ng pait.
Pinilit maging masaya pero di nakalimot sa galit.
Tama na ang minsan, kahit na saglit.
Give some love to Patricia Lyn Bacsa by reading her previous entry at The Ugly Writers:
One thought on “Pag-iisa”
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.







I wish if there was English translation. Or a note of few lines in English stating the gist of the poem.
Regards n all the best wishes