the ugly writers

Baong

Masarap sana maging bata, well, masarap sana... Pero kung kasing kukulit ng mga bata ngayun, wag nalang pala... Ang swerte ko kasi nabubuhay ako sa kahirapan... Hindi lahat may prebeleheyong ito ay pagdaanan... Lahat ng emosyon araw-araw nararanasan... Ang kailangan lang, tuhod at sikmura mo'y tibayan...

Baong

Usap na usap ang ale…
Maganda ang umaga pero di mapakali…
alumpihit at dila ay nangangati…
Luto na ang pandesal ngunit walang bumibili…
Gising narin ang perpekto mong kapitbahay…
Agad-agad nag-iingay…
Walang magawa, ayaw magpasaway…
Pagsikat ng araw di na inantay…
Bukod sa tsismis ano pa ang trabaho mo?
Ikwento mo sa akin, masaya ba kayo?
Sa paninira sa buhay ng ibang tao…
Kayo ng kumare mong tsismosa rin dyan sa baryo nyo…
Nakapila na ang tricycle ni manong…
Habang ang umiiyak na bata ay kalong-kalong…
Kailangang kumita, sawa na sa tutong…
Gustong umahon kaya nag-isip ng pasulong…
Masaya lang dapat ang buhay, posible ba?
Sila-sila lang ang yumayaman, di ka ba nag-aalala?
Masarap sana maging bata, well, masarap sana…
Pero kung kasing kukulit ng mga bata ngayun, wag nalang pala…
Ang swerte ko kasi nabubuhay ako sa kahirapan…
Hindi lahat may prebeleheyong ito ay pagdaanan…
Lahat ng emosyon araw-araw nararanasan…
Ang kailangan lang, tuhod at sikmura mo’y tibayan…
Nakatira ako sa lugar na baong ang pangalan…
Isang maliit na baryo sa lugar ng palawan…
Isda roon, isda rito, dagat ang kabuhayan…
Sariwa ang lahat pati na ang kayabangan…
Bata pako noon akin ng kinamulatan…
Dito sa amin palakasan ng inuman…
Palakasan ng boses, palakasan ng kwentuhan…
Boring lang siguro kasi nga walang ibang libangan…
Dito samin di ka mamomroblema…
Sariwa ang karne pati na ang mga isda…
Konting pawis lang, konting salita…
Mura ang mga sariwa, mura pa sa p¤+@π&-¡π@…
Nakakalunod lang ang katahimikan sa gabi…
Lamok at palaka lang ang maririnig mo, nakakabingi…
Minsan huni ng tuko at butiki sa kisame…
Ano kaya sumigaw ako habang malalim ang gabi, “Amidamaru sa harusame!! ”
May mga bagay na minsan akala mo malayo pa
Pero ang totoo malapit na pala…
May inaantay ako hindi lang halata…
Hindi halata pero lahat ginagawa…
Nagdaan ang mga panahon at marami ng napuntahan…
Saka ako nakabalik sa baryo kong pinanggalingan…
Napagtagpi-tagpi ang lahat ng pinagdaanan…
Marami talagang nakakatuwang bagay na dito mo lang mararanasan…
May kahirapan pero andito ang mga totoong kaibigan…
Maraming tsismis pero seryoso pag seryoso ang usapan…
Walang-wala pero lagi mong maaasahan…
Nag-aaway pero nagtutulungan…
Napag-uusapan lahat ng di pagkakaintindihan…
Inuunawa ang mga di maunawaan…
Tinutuwid ang mga wala sa katwiran…
Binibigyan ng pagkakataon ang mga nawalan…

 

Kung naibigan mo ang likhang Filipino na Baong, basahin ang iba pang gawang tagalog dito:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

0 0 vote
Article Rating
Default image
Dhudz Delfin
Subscribe
Notify of
4 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Kobe Maglaqui

Kobe Maglaqui, HRM 194, Art Appreciation, Moment, and MQ2

Shane Francis Maglangit

Shane Francis Maglangit, INF194, Art Appreciation, Moment, and MQ2

Jessica Nicole Dela Cruz

Jessica Nicole Dela Cruz, INF194, Art Appreciation, Moment, and MQ2

Joanna Mae Andrade

Joanna Mae Andrade, HRM194, Art Appreciation, Moment, MQ2

4
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x