Hindi na mauulit pa
Hindi na mauulit pa is a tagalog spoken word poetry entry by Vanessa Enfectana shared to The Ugly Writers for the theme Pandemic this April. This piece is marked NSFW.
Hindi na mauulit pa
Ah! (Libog) Tapos na ba? (Bitin tone)
Isa pa (kagat labi)
Muli tayong mag-umpisa (Blue font for mahinahon)
Simulan sa sakit, sa sarap at sa unti-unti nating pagligaya
Balik tayo sa kama
Umpisahan na ang lapalapan,ano ba?
Balikan natin / ang panahon / kung saan tayo nag-umpisa
Sa kung paanong pinagbigyan kita / sa takot kong mawala ka.
Kaya sige, / sariwain natin/ ang mga marka
Na iginuhit / sa balat/, na magsisilbing paalala
Sa mga nagdaan,/ na saya/ at lumbay/ na aking kinaya
Dahil sa pagkapit/ sa salitang mahal kita.
Sinimulan / ng dahan dahan
Unti-unti / umuusad / painit ng painit / hanggang sa nauwi sa pagmamahalan
Pabilis ng bilis / pasarap ng pasarap / ang mga araw na lumipas /ng di natin namamalayan
Hanggang /sa napagod ka / bumitaw / at nagpahinga
Ahh!Ha!Ha!!Aray!Ah!Dahan-dahan! sa pag (ah) (libog)
Alis. Dahan dahan sa pag-alis.(maldita tone)
Pagkat hindi pa ako handa / hindi pa ako handang muling masaktan
Hindi pa ako handa / na muling pakawalan / ang puso mong lagalag / na pilit naghahanap ng ibang madadapuan.
Ngunit kahit anong pagsusumamo ay nagbingibingihan ka / at kahit namamaos na ang puso sa kakasigaw ay hindi mo pinakinggan.
Tatlong taon na..
Tatlong taon na / ang nakakalipas / ng sabihin nyang “Babe / I need space” “Im sorry! Its! Its not you! / Its me”
Pero hayop kinabukasan / nakita mo syang mong may kalandian na namang iba
Kitang kita / ang pagpulupot / ng ahas / sa kanya.
100 tula / 20 kanta / 12 nobela na / ang naisulat ko para sa kanya
At karamihan ay may temang “Sana ako pa rin,Sana ako nalang, Sana tayo na lang uli” (Basha tone)
Pero wala
Wala akong nagawa dahil mata nya’y nakatuon na sa iba
Ilang ulit ko ng tinanong “Pangit ba ko?Kapalit balit ba ko?”
Wag!Wag mong sasagutin pagkat alam ko na
Na hindi naging sapat / ang pagmamahal ko ng tapat / at kahit binigay ng lahat / naging loyal ka pa din sa apat
Pinilit kong kalimutan ka
Binago ang mga kanta / na nagdala / ng paalala / na baka pwede pa
Pilit pinatatag ang sarili hanggang sa puso’y naging bato na
Inihanda ang isang pader/ na mas matayog pa sa Great wall of China
Hinasa ang mga sandata at pananggalang upang hindi na muli pang malinlang ng iyong mga salita
Tang-ina naman kasi si tadhana
Bakit pa kasi pinagtagpo / ang mga tao na hindi naman kasi talaga para sa isat isa
Hanggang sa dumating na. / Dumating ang araw na nagbalik ka. Sabi mo “Bhabe,I miss you” (naglalambing tone)
Miss mo ko? Miss mo lang akong lokohin e (liza in the ex and why’s tone)
Bakit? Sawa ka na ba / sa samyo ng bataan?
Kaya sa paglalakbay ay muli mo kong namataan
Tanong ko lang. Ilan na bang bulaklak ang iyong pinitas
Ilan na bang pulot ang iyong tinikman / sa iyong pag-alis?
Ilan na bang kweba / ang pinasok
Ilan na nga bang bundok ang iyong tinanaw
Ilan na bang bote ng coke ang iyong pinatumba sa iyong pagkauhaw? Ilan na ba? Ilan na nga ba sila?
Minsan na akong nagmahal,minsan naring nasaktan
Minsan ng naging tanga at kung inaakala mong sasagot ako ng malavice gandang “uwi ka na hindi na ko galit”
Pwes nagkakamali ka.
Hindi na ako ang babaeng kakapit sa mga pangakong itaga man sa bato / dahil kung tutuusin ang sarap ipukpok ng batong yan sa ulo mo.
Hindi na! Kasi TANG / Tanggap ko na! Tanggap ko na wala ka na. At hindi na ko muling babalik pa.
Hindi na! Dahil akin ng natagpuan ang lugar kung saan nababagay ang aking kariktan
At marka na iyong iniwan ay unti-unti ng nahugasan / ng luha buhat ng ako’y iyong iwan
Catch more of Vanessa Enfectana‘s with her previous entries at The Ugly Writers or by clicking any of the links below: