KAHIT MALAYO is a tagalog poem written by Jelyn V. Chavez and shared with The Ugly Writers under the theme Oh Snap! for the month of August
KAHIT MALAYO…
Mahal? kamusta ka dyan??
Eto ako naghihintay saiyo.
Sabik na sabik na akong makita ka ngunit di natin magawa sapagkat tila may isang malaking pader na tila nakaharang sa pagitan natin..
Pader na tila nagpapatagal nang pagsasama ng puso nating sabik na sa isa’t-isa. Ngunit ito rin ang nagpapatatag sa puso natin at lalong nagpapatibay ng pagsasama.
Hindi hadlang ang distansya kung ang tadhana ang sadyang nagpapalapit sa ating dalawa.Kung tunay ang pagmamahal, kailangang gawin ang lahat para puso ay mapag-isa.
Kahit anong mangyari kung puso man ay tapat, bilang ako lamang ay saiyo ay sapat. Kahit anong pagsubok, kahit anong problemang darating habang tayo ay isang milya ang distansya, hawakan natin ang pangakong binitawan sa isa’t-isa.
Mahal, ikaw na iniirog ko.
Puso ko at damdamin ay totoo.
Sana ang puso mo sakin ay pareho sapagkat ayaw ko na pagtangis ang dulo.
Sapagkat may pangarap pa ako kasama ka bilang aking mundo.
Pangarap na tayong dalawa lamang ang bubuo.
Maghintay lamang tayo.
Magtiiis muna habang malayo.
Sapagkat sa puso ko, ikaw ay narito.
Pangako ikaw lamang sa puso at isip ko.
At hinding -hindi na ito mag babago.
Mahal ko iyan ang tandaan mo.
Give some love to Jelyn V. Chavez by reading her previous entry at The Ugly Writers: