Dalawang Daan is a poem written by Mary-Ann Bellong and shared with The Ugly Writers under the theme Stuck with Memories for the month of October
Dalawang Daan
Dalawang daan
Halagang aking hiniling
Pambayad sa edukasyon
Pandagdag ng rasyon
At marami pang rason
Hindi ka umimik
Bagkus ay nag isip
Sa utang ika’y nakalubog
Kaninong Diyos ka dudulog
Ngunit iyong winika “Anak, ako’y maghahanap.”
Lumubog na ang araw sa Silangan
Nagising na ang kuliglig
Isa isang nagsulputan ang mga tala
Sumilay na ang buwan
Subalit ni anino mo
Ni hindi malirap
Hanggang yapak mo`y
Bumalahaw sa katahimikan
Sa payapang gabi
At iyong iniabot
Na may mapait na ngiti
“Heto anak, hiniram ko mula sa mga diyos.”
Check out previous entries for the theme Stuck with Memories here at The Ugly Writers