Piliin mo ang Magtiwala
Kapag ikaw ay nabigo at nasaktan,
Piliin mong ‘wag makulong sa kalungkutan.
Piliin mo ang maging masaya
Piliin mo ang magpatawad
Piliin mo ang umunawa
Piliin mo ang ikaw ay lumaya
At higit sa lahat
Piliin mo ang muling magtiwala.
Ngumiti kahit mapait
Ngumiti at alisin ang galit
Maging masaya kahit na masakit
Magpahinga kapag pagod na
Himinto kapag hindi na kaya
At sumubok ulit kapag handa ka na.
Wag matakot magtiwala at mag-umpisa
Dahil ang bawat umaga
Ay panibagong simula
At ang bawat simula
Ay panibagong pag-asa.
Na tanging ikaw lang,
ang makakagawa.

Kung nagustuhan nyo ang likha ni Sheng Milante Castro, bisitahin ang kanyang Facebook Page na Pink Diary o manatili dito at basahin ang iba pang gawa niya sa The Ugly Writers:








