the ugly writers

Bagong taon na, ayoko na

Ayoko nang makausap ka, kasi sa bawat tawa mo naaalala ko yung mga panahon na ako pa ang dahilan ng iyong pagsaya. Ayoko nang malaman kung anong ginagawa mo, kasi wala akong ibang gustong gawin kundi ang kumapit sa iyo.

Bagong taon na,
Tama na,
Mali na,
Ayoko na.


Ayoko nang makita ka,
Kasi sa tuwing makikita kita unang gusto kong gawin ay yakapin ka. 

Ayoko nang makausap ka,
kasi sa bawat tawa mo naaalala ko yung mga panahon na ako pa ang dahilan ng iyong pagsaya.

Ayoko nang malaman kung anong ginagawa mo,
kasi wala akong ibang gustong gawin kundi ang kumapit sa iyo.

Ayoko nang marinig ang mga daing mo sa mundo,
dahil ang tanging daing ko lang ay bakit hindi na ako parte ng mundong ginagalawan mo.

Ayoko nang makinig sa mga daldal mo,
dahil sa bawat salita na binibigkas ng labi mo ang gusto ko lang gawin ay patahimikin ka gamit ang mga labi na meron ako.

Ayoko nang maging kaibigan ka,
dahil ang gusto ko lamang gawin ay ang ibigin ka.

Ayoko na,
Mali nang ako ay naghahabol pa.

Ayoko na.
Tama na.
Kung mali man ito ay ayoko nang maging tama pa.

Mali na.
Tama na.
Tama na ang paglayo,
bumalik ka na.

 

If you liked Bagong Taon na, Ayoko na, please check out Marge Villaester‘s own site here and support her by reading her previous work at The Ugly Writers:

IMG_20180520_233304_674000

the ugly writers

Default image
Marge Villaester
She breathes ink and paper. There are words hidden under her skin. A 23-year-old libra with a mouth that spurts out the most unconventional thoughts, feet that beg to climb the highest of mountains, hands that are always extended to others, eyes that see through the bad, and a heart which is poured out in these pages.
Articles: 10

One comment

  1. Adrian Medina, INF 194, Art Appreciation, Moment, MQ2

Leave a Reply