the ugly writers

Sensya na sa abala

Masakit lang kasi sinama na kita sa mga pangarap... Actually kasama nga kitang nagplano ng lahat... Umalis kang time para sa sarili mo ang hanap...

Sensya na sa abala

 

Nakakakiliti ang ihip ng hangin…
Pakiwari ko ba ay may ibinubulong sa akin…
Malungkot kahit disco ang patugtugin…
Tila nawalan na ng saya ang mga awitin…
Kani-kanina lang narito ka sa tabi ko…
Hayop pa nga kung titigan mo ako…
Matatamis na ngiting sintamis ng mga pangako…
Parang usok lang, bigla kang naglaho…
Napapa-iling habang nakangiting nakapikit ang mga mata…
Nangako na nga naman, gusto mo tuparin pa?
Ang pait ng datingan parang ampalaya…
Yung tipong pinangakuan ka tapos biglang nawala…
Para kang nabudol-budol nakakatanga…
Biglang ayaw na nya ngayung Gustong-gusto mo pa…
Ano nga bang magagawa?
Eh di uwian na, hindi na masaya… Hahaha…
Masakit lang kasi sinama na kita sa mga pangarap…
Actually kasama nga kitang nagplano ng lahat…
Umalis kang time para sa sarili mo ang hanap…
Hindi plantsado ang rason mo, makalat…
Pero tinanggap ko, kahit alam kong ginagawa mo kong bobo…
Ang sabi ko lang, “bastat masaya ka… ”
Pero last na yan, wag kang mag-alala…
Hindi na kita hahabulin, hindi na kita pipigilan pa…
Sapat na sakin yung ginawa mo kong tanga…
Hindi narin kita iisipin pa…
Sa lahat-lahat, Salamat nga pala…

“Anuman ang iyong hiling, aking tutuparin…
Anumang nasa loob ipagkakaloob… Now na!!”
Hahaha tama ba?
Naalala ko lang yung napanood ko, hayaan mo na…
Wala namang konek, masaya lang talaga…
Kala ko dati mamatay ako kapag nawala ka…hindi rin pala… Sige lang, go lang, paalam na, sensya na sa abala…

 

Kung naibigan mo ang likhang Filipino na Sensya na sa abala, basahin ang iba pang gawang tagalog dito:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Dhudz Delfin

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of