
Mare Tama Na – Martina
Mare Tama Na – Martina is a poem written by Kevin Rein and shared with The Ugly Writers under the theme Catharsis: Healing Through Narrative for the month of June
Mare Tama Na – Martina
Ang bawat umaga ko’y nagsisimula sa mga bulong-bulungan sa gilid-gilid.
Pagdilat ng mata’y agad nasisilaw sa mga bagay na sumisiksik sa aking pag-iisip.
Sila, doon, sa sulok-sulok,
ay pilit gumuguhit ng mga kwentong mula sa tagpi-tagping haka-haka.
Nakakasawa.
Sa tanghalia’y hapag ko ang bigat ng konsensiyang pasan-pasan ng dib-dib kong naninikip.
Kailan sila titigil? Hindi ko batid.
Paulit-ulit, nakakasira, nakakapundi.
Sa kabila ng malinis kong hangarin ay heto silang pabalik-balik sa nakakahiyang gawain.
Nakakaumay.
Sa gabi, habang sila’y umpok-umpok sa bawat kanto bago magdilim,
Ako’y tahimik na umuusal ng mga dalangin.
Sana bukas, ang mundo’y may paglilimlim.
Kabutiha’y magbabalik, sa bawat isa’y maitatanim.
Ako si Martina sa mundong puno ng mga Marites.
Mare tama na.
Nagmamalasakit.
Martina.
Read more from Kevin Rein by reading his previous entries at The Ugly Writers:
Read more entries under the theme Catharsis: Healing Through Narrative only here at The Ugly Writers: