Tara na, Sabay tayong uusad

May mga pagkakatong nanaisin kong huminto muna saglit. Pwede bang panandaliang  pumikit Nakakapagod na 'rin ang mag-isip Kailan ba babalik sa dati ang paligid?

Tara na, Sabay tayong uusad is a tagalog poem written by Sheng Milante Castro and shared with The Ugly Writers under the theme Entropy: Overcoming Destruction for the month of July

 

Tara na, Sabay tayong uusad

 

inbound609303008557799296-980c4e78

 

May mga pagkakatong nanaisin kong huminto muna saglit.

Pwede bang panandaliang  pumikit

Nakakapagod na ‘rin ang mag-isip

Kailan ba babalik sa dati ang paligid?

Iyong tawanan at kantahan lang ang iyong maririnig.

Malayo sa  ingay at sigawang paulit ulit kong naririnig.

Gusto kong muling masaksihan ang payapang takipsilim.

Patuloy nawang magliwanag ang buwan at bituin

Maging gabay nawa sila sa  masayang landas na gusto kong tahakin.

At wala sanang maiwan sa dilim.

Gusto kong gumising sa umaga ng masaya

puno ng pag-asa.

Sana matapos na ang karera

Para ang lahat ay umusad na ng mapayapa.

 

If you liked the creation of Sheng Milante Castro, visit her Facebook Page Pink Diary or read more of her previous entries at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Sheng Milante Castro
Articles: 8

Leave a Reply