Sa Pagpikit ng Aking Mata is a tagalog poem written and shared by Merry Princess Joe to The Ugly Writers under the theme Pandemic.
Sa Pagpikit ng Aking Mata
Nabigla ako ng ikaw ay yumakap
Yakap na matagal ko ding hinanap-hanap
Imbis na matakot, ako’y napangiti.
Nalimutan lahat ng pighati.
Nalimutan lahat ng sakit at luhang naibuhos.
Sa wakas, sa puso ko’y natapos ang unos.
Yakap kita,
Yakap mo ako.
Masaya sa piling ng isa’t isa.
Ang mundo ko’y muli mong binuo.
Puso kong ikaw lang ang gusto.
Napaka saya ng araw na ito.
Tanging hiling na sana oras ay huminto.
Kahit sandali lang.
Kahit panandalian lamang.
Pagkat ito ang tanging hiling.
Ang manatili sa iyong piling.
Muli ay niyakap mo ako,
Sabay halik sa aking noo.
Mga mata’y napapikit,
Sa wakas, sa piling ko’y bumalik.
Ngunit pag mulat, bakit ang sakit?
Walang ikaw sa aking tabi.
Luha ay dumaloy muli sa aking pisngi.
Ang mga mata’y pilit ipinikit.
Nagbabakasakali na ika’y bumalik.
Ngunit lahat pala ng iyon ay panaginip.
Bunga ng kathang isip.
Sakit ay di na nais pang maramdaman.
Mga alaala nati’y nais ng kalimutan.
Bakit puso ko’y ikaw parin ang laman.
Pilit kang inaalis sa isipan.
Pilit na ipaalala kung paanong ako’y iyong binitiwan.
Pinapaalala sa sistema na ikaw, mahal, kailanman ay hindi na babalik pa.
Kahit pa na sa bawat pagpikit ng aking mga mata,
Ikaw at ikaw parin ang hanap sinta.
If you liked this piece, catch previous works by Merry Princess Joe only here at The Ugly Writers:
Ramdam ko yong bawat salita na sinulat mo dito ate girl. I know na nasasaktan ka ngayon pero balang araw hihilom din yang sakit na yan.
I am kind of okay na. 🙂 Just had to spill everything through poems.